Rabu, 31 Agustus 2011

Halaga ng Bakuna sa mga Bata


Kapag kalusugan ng mga sanggol ang pinag-uusapan, ibayong pagbabantay ang ginagawa ng mga magulang huwag lang madapuan ng anumang sakit.

Isang delikadong sakit ang pneumonia para sa mga bata. Sa tala, isang bata ang namamatay dahil sa sakit na ito kada 20 segundo sa buong mundo.

Sa Pilipinas, 37 batang Pinoy (1-59 buwang gulang) ang namamatay araw-araw dahil sa pneumonia.
Sa isang pulong, pinangunahan ni Dr. Maria Carmen Nievera, ng Pedriatic Infectious Disease Society of the Philippines, Inc. ang halaga ng bakuna sa mga bata. Naging katuwang nito ang GlaxoSmithKline, isang kilalang pharmaceutical company, kunsaan naging tagapagsalita rin dito sina Janice Villanueva, founder ng Mommy Mundo, RJ at Vanessa Ledesma na nagbahagi ng kaalaman sa kalusugan at pagpapalaki ng mga bata.

Kumpara noon, mas may opsyon na tayo para maiwasan ang ilang malalang sakit ng mga bata. Sa bakuna may pag-asang mamuhay ng tama– malayo sa sakit at may layang maabot ang karapatang maging normal na bata habang sila ay lumalaki.

Sa bakuna, napipigilan nito ang sakit tulad ng polio, tetanus, measles, mumps, acute otitis media (AOM) at iba pa.

Ang AOM o luga ay pangwalong pangunahing sakit ng mga batang Pinoy. Maaari itong magbigay ng pamamaga sa utak na pwedeng maging dahilan ng kahirapan sa pagsasalita ng bata o pagkabingi nito.

Marahil ito na rin ang dahilan kung bakit maraming batang Pinoy ang mahina ang utak sa pag-aaral.

Bilang magulang, pagmamahal at pagmamalasakit ang susi sa magandang kinabukasan ng mga supling. Sa unang mga taon palang ng mga bata, proteksyunan na ang kanilang kalusugan.

Sumangguni sa inyong mga doktor para sa iba pang kaalaman hinggil sa halaga ng bakuna.

Source: Abante Online

Tidak ada komentar:

Posting Komentar