Kamis, 25 Agustus 2011

Peaceful Transition sa Libya, Suportado ng Pilipinas


Inaasahan na rin ng gobyerno ng Pilipinas ang nalalapit na resolusyon ng kaguluhan sa Libya.

Ito’y matapos makubkob ng rebel forces ang compound ni Col. Moammar Ghadafi.
Sinabi ngayon ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, welcome sa kanila ang mga developments sa Libya at patapos na ang karahasan.

Ayon kay Lacierda, suportado nila ang mapayapang transisyon ng kapangyarihan sa Libya at maibalik ang normalidad sa buhay ng mga mamamayan.

Handa umano ang Pilipinas na tumulong sa pagbangon ng Libya para manumbalik ang kapayapaan at katatagan sa nasabing bansa.

Nagpapasalamat naman ang Pilipinas sa mga Libyan sa pangangalaga sa seguridad at kaligtasan ng mga OFWs sa gitna ng kaguluhan.

“The Philippines welcomes the imminent resolution of the conflict in Libya. The Philippines supports a peaceful transition in Libya in order for normalcy to return to this country, and looks forward to working with the Libyan people in pursuing peace and stability.

The Philippine government thanks the Libyan people for keeping Filipinos and their families in Libya safe and for the hospitality extended to them throughout the conflict including the Filipino medical workers who chose to remain in order to continue providing emergency humanitarian assistance to all parties in the conflict,” ang buong statement ni Lacierda.

(source: Bombo Radyo)

Tidak ada komentar:

Posting Komentar