Sabtu, 27 Agustus 2011

Maiiwasan ang Liver Cancer kung Aayaw sa Alcohol


Tomador ka ba? Malakas sa inuman at talagang “drink to death” na tinatawag?

Kung isa ka sa mga ito hindi malayong magkaroon ka ng liver problems gaya ng liver cirrhosis. Ayon sa mga bagong study na ginawa ng bansang numero uno sa paggawa ng alak ang Italya sinasabing sobrang pag inom ay may koneksyon sa pagkakaroon ng liver cancer.

Sa kanilang pag-aaral sinuri nila ang lalaki at babae na nadiagnose na may hepatocellular carcinoma isang pangkaraniwang uri ng liver cancer sila ay ang mga manginginom na kumukunsumo ng 60 grams ng alak kada araw,kaparehas ng 4 hanggang 5 basong alak, na mauuwi sa pagkakaroon ng liver cancer para sa mga lalaki at mga babae.

Isang paraan para maisalba mo ang iyong buhay sa peligro ay ang pag iwas sa anumang alcoholic drinks, lalo na malakas ang alcohol contents.

(source: Abante Online)

Tidak ada komentar:

Posting Komentar