Senin, 15 Agustus 2011
Dengue Screening Kada Weekend
Umapela kahapon ang Department of Health (DOH) sa mga lokal na pamahalaan para buksan ang mga health center kapag weekend para sa dengue screening kasunod ng pagtaas ng bilang ng kaso ng dengue sa bansa.
Ayon kay DOH spokesman Eric Tayag, ito rin umano ay para mapigilan ang “overcrowding” ng mga pasyente sa mga hospital.
Gayundin, sinabi ni Tayag na ang weekend screening ng dengue ay para sa maagap na treatment ng mga mild cases sa kani-kanilang bahay.
“We are appealing to LGUs that health centers be open on weekends so patients can be screened,” ayon kay Tayag.
Nauna rito, nakapagtala na ang DOH ng 45,333 kaso ng dengue sa buong bansa simula Enero hanggang Agosto ngayong taon, kasama ang nadagdag na 6,000 kaso sa huling dalawang linggo.
Pero ipinagmamalaki ng DOH na mababa pa rin ito ng 33.5% sa nakaraang taong mga kaso na umabot sa 68,186 sa kaparehas na buwan.
(source: Abante Online)
Langganan:
Posting Komentar (Atom)
Tidak ada komentar:
Posting Komentar