Sabtu, 13 Agustus 2011
Kuryente ng Pilipinas, pinakamahal sa buong mundo
Kung aayunan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang 19 na petisyong ihinain sa kanilang tanggapan na pawang humihingi ng power rate increase, malamang na ang Pilipinas na ang may pinakamahal na kuryente sa buong mundo.
Ito ang ibinabala kahapon ni Eastern Samar Rep. Ben Evardone kahapon matapos natuklasan na tinambakan ng petisyon ang ERC ng mga power industry players partikular na ang Power Sector Assets and Liabilities Management Corporation (PSALM) at National Power Corporation (Napocor).
Kabilang sa mga petisyong nakabinbin sa tanggapan ng ERC ay ang ERC case 2011-074RC kung saan ang Napocor ang petitioner para payagan silang magdagdag ng P0.2759 kwh para sa tinatawag na universal charge.
Pawang ang PSALM naman ang petitioner sa Missionary Electrification Subsidy ERC-case 2011-091RC para sa P0.3666 kwh para sa Luzon kung saan idinahilan ang stranded contract cost ng Napocor; ERC case 2011-092RC P0.0313 kwh para naman sa stranded debt ng Napocor at ERC case 2009-004 P0.8332 para sa Luzon, P1.3815 para sa Visayas P1.0686 para sa Mindanao.
Maliban dito sa apat na petisyon na nais ng PSALM at Napocor na maaprubahan sa lalong madaling panahon, mayroon pang 15 petisyon sa ERC na ihinain naman ng mga electric cooperative at Manila Electric Company (Meralco).
“If approved, all these increase will be added to the existing electricity rates. The ERC should carefully examine these applications for power rate increases as they will not only add burden to the consumers but will make our country less competitive in attracting foreign and domestic investors,” ani Evardone.
Sa ngayon ay ang Pilipinas ang may pinakamataas na power rate sa Asya kasunod ng Japan at maaaring humawak na ng trono bilang pinakamahal na kuryente sa buong mundo oras na aprubahan ang mga petisyong pahirap sa taumbayan.
Source Abante Online
Langganan:
Posting Komentar (Atom)
Tidak ada komentar:
Posting Komentar