Minggu, 09 Oktober 2011
CAVITE-ANTIPOLO LRT EXTENSION SISIMULAN NA
Magandang balita para sa milyon-milyong residente ng Cavite at Antipolo dahil pasisimulan na ng pamunuan ng Department of Transportation and Communication (DOTC) ang naudlot na proyekto na aabot hanggang sa lalawigan ng Cavite at Antipolo City ang biyahe ng Light Rail Transit (LRT) Line 1 at LRT line 2.
Ayon kay DOTC Secretary Mar Roxas, inilagay na niya sa kanyang ‘priority project’ ang pagpapatuloy ng proyekto na paabutin hanggang sa Cavite at Antipolo ang biyahe ng LRT.
Sinabi ni Roxas, kasado na ang plano sa proyekto, kung saan ang dating rota ng LRT 1 mula sa Roosevelt, Quezon City hanggang sa Baclaran, ParaƱaque ay daragdagan pa ng walo pang istasyon na aabot hanggang sa Bacoor Cavite.
Habang ang LRT Line 2 mula sa Recto Avenue sa Maynila hanggang sa Santolan, Pasig City ay paaabutin sa Masinag, Antipolo City.
Continue Reading at The Philippine Star
Langganan:
Posting Komentar (Atom)
Tidak ada komentar:
Posting Komentar