Senin, 10 Oktober 2011

SWAT team raid set of Brad Pitt's latest film


Sinalakay ng Hungarian police ang set ng pelikula ng Hollywood actor na si Brad Pitt kahit na hindi pa nasisimulan ang shooting nito.


Ayon sa mga otoridad, ni-raid nila ang isang warehouse sa kabisera ng Hungary na Budapest at doon ay nasamsam ang 85 high-powered firearms kagaya ng AK-47 at sniper rifles na ayon sa pulisya ay mayroong live ammunition.

Kaagad namang dumipensa ang producer ng pelikula na gagamitin itong props. Subalit iginiit ng Hungarian police na hindi nararapat na may live ammunition ang mga armas, sinabi rin nila na isang trahedya ang naghihintay kung hindi nila na-raid ang warehouse.

Ayon sa publicist ng pelikula, nakikipag-ugnayan na sila sa mga otoridad upang maresolba ang isyu sa mga high-powered firearms.

Tidak ada komentar:

Posting Komentar