Rabu, 28 September 2011

Libu-libo naistranded sa welga ng PALEA


MANILA, Philippines - Libu-libong pasahero ng Philippine Airlines ang naistranded dahil sa pagwewelga kahapon ng mga empleyado nito bagaman sinabi ng Malacañang na meron nang conciliation meeting ang pangasiwaan at ground worker ng kumpanya.

Bukod sa epekto ng bagyong Pedring sa mga eroplanong bumibiyahe sa Luzon, nakansela ang lahat ng flight ng PAL dahil sa welga ng Philippine Airlines Employees Association o PALEA.

Ayon naman kay PAL President Jaime Bautista, iligal ang welga ng PALEA na sapat para patawan sila ng administrative at criminal sanctions.

May 14,000 pasahero ng PAL ang naistranded anya sa paliparan dahil sa iligal na aksyon ng PALEA.

Sinasabing ang walkout ng PALEA ay kabuntot ng outsourcing ng online ticketing, flight catering at ground operations simula sa susunod na buwan.

Source [ PHILSTAR ]

Tidak ada komentar:

Posting Komentar