Minggu, 18 September 2011
Halaga ng Primary Education Diniin ni Angara
Nanawagan kahapon si Aurora Congressman Juan Edgardo Angara sa pamahalaan na pagtuunan ang kalidad ng edukasyon bilang pinakamahalagang behikulo sa pagpapaunlad ng puwersa ng paggawa simula pa lang sa basic primary education.
“Napakahalaga ng universal kindergarten program na kinasasangkutan ng 2.3 milyong batang may edad na limang taong gulang,” diin ni Angara na nagsabi pa na nangangailangan ng dagdag na pondo mula sa pamahalaan ang sector ng edukasyon para maiprayoridad at magamit ng husto at mapahusay ang anumang nakakapagpaunlad sa isang tao.
Si Angara na tagapangulo ng House Committee on Higher and Technical Education ay nagpahayag ng pagsuporta sa P1.9 billion pre-school program ng Department of Education para matugunan ang malaking kakulangan sa basic education program ng pamahalaan na nangangailangan ng pagkuha ng libu-libong bagong guro na bukod pa sa mga teaching position na hindi pa napupunuan sa kasalukuyan.
“Makakalikha tayo ng magagaling na estudyante kung kukuha tayo ng magagaling na guro,” sabi rin niya.
Binanggit niya na ang badyet ng DepEd sa taong 2012 ay P238.8 bilyon na mas mataas nang 15.2% kumpara sa badyet na 207.3 bilyon ngayong taong ito.
Ang panukalang bagong badyet ay naglalaan ng P2.9 bilyon para sa paglikha ng 13,000 posisyon ng guro.
(source: Pilipino Star Ngayon)
Langganan:
Posting Komentar (Atom)
Tidak ada komentar:
Posting Komentar