Minggu, 18 September 2011
P12B Health Insurance Coverage sa 5M mahihirap
Aabot sa P12 bilyon ang nakatakdang gastusin ng pamahalaan sa susunod na taon para sa may 5.2 milyong mahihirap na pamilya sa buong bansa sa ilalim ng health insurance coverage.
Sinabi ni House assistant majority leader at Cebu Rep. Eduardo Gullas na ang nasabing pondo ay halos triple sa P3.5B na ginagastos ngayong taon ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) premiums sa mga indigent families sa ilalim ng National Household Targeting System for Poverty Reduction.
“We are counting on the enlarged coverage to provide a greater number of marginal families improved access to adequate health care services,” sabi pa nito.
Sa pamamagitan umano ng pinalawak na PhilHealth coverage ay makakatulong ito ng malaki sa maliit na budget ng isang pamilya kung saan makakatipid upang magamit ang sariling budget na panggastos sa iba pang pangangailangan sa araw-araw.
Samantala, gagastos din aniya ang pamahalaan P1.9 bilyon sa susunod na taon para magamit sa pagbakuna sa may 2.6 milyong menor-de-edad na may edad 0-15 buwan.
Langganan:
Posting Komentar (Atom)
Tidak ada komentar:
Posting Komentar